Unang Balita sa Unang Hirit: OCTOBER 23, 2024 [HD]

2024-10-23 1,211

Narito ang mga nangungunang balita ngayong October 23, 2024

- Rumaragasang baha, nararanasan sa iba't ibang bahagi ng Bicol Region | Bicol River, umapaw | Ilang residente, stranded dahil sa baha | Babaeng malapit nang manganak, nailigtas at nadala sa ospital sa gitna ng baha | Ilang kalsada, hindi madaanan dahil sa taas ng baha | Kalabaw, na-trap sa gitna ng baha

- Panayam kay Albay Public Safety and Emergency Management Office Head Engr. Dante Baclao kaugnay sa pananalasa ng Bagyong Kristine

- Ilang residente sa Brgy. Triangulo, nananatili sa bubong dahil sa taas ng baha; patuloy na humihingi ng rescue

- Tourism activities at pagligo sa dagat, ipinagbabawal muna; Blue Alert status, nakataas sa buong probinsiya | Emergency vehicles, naka-standby; ilang mangingisda, itinali na ang mga bangka bilang paghahanda sa bagyo | Malakas na pag-ulan, naranasan sa ilang lugar sa Baler

- VPSD, handang sumailalim sa neuro-psychiatric exam basta raw magpapa-drug test ang mga kakandidato sa 2025 | 'Young Guns' bloc ng Kamara, tinanggap ang hamon ni VPSD basta haharap siya sa mga pagdinig kaugnay sa budget ng OVP at DepEd | VPSD: "We have a Secretary of Justice na hindi alam ang batas" | DOJ Sec. Remulla kay VPSD: "This country does not deserve a future with a kind of person like this" | Rep. Sandro Marcos, dismayado sa mga naging pahayag ni VPSD sa Pamilya Marcos | VPSD, sinabing naiinis daw sa kaniya si Sen. Imee Marcos; dapat aniyang mainis ang senadora sa First Lady at sa House Speaker | VPSD, mapapatawad lang daw si PBBM kung hihingi ng paumanhin sa mga nasaktan sa paghahanap noon kay Apollo Quiboloy | PBBM at First Lady, hindi nagbigay ng pahayag kaugnay sa mga sinabi ni VPSD

- Panayam kay OCD Spokesperson Edgar Posadas kaugnay sa Bagyong Kristine

- Mga highway, binaha dahil sa mga umapaw na ilog; ilang sasakyan, tumirik sa daan | Ilang residenteng nakulong sa loob ng kanilang bahay, sinagip ng mga awtoridad | CamSur PDRRMC: Pag-apaw ng Bicol River, pangunahing sanhi ng malawakang pagbaha sa lalawigan | 1,300 na pamilya, inilikas sa mga evacuation center

- Antas ng tubig sa San Juan River, bumaba na sa 11.71 meters Alert Level | Klase sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan sa lungsod, suspendido

- Pastor Apollo Quiboloy at 5 niyang kapwa akusado, nakatakdang humarap sa pagdinig ng Senado

- Dating NAPOLCOM Commissioner Leonardo, kinumpirmang may rewards system noong war on drugs; itinangging siya ang nagtatakda kung magkano ang pabuya | PMaj. Leo Laraga na sangkot sa pamamaril kay dating Albuera Mayor Rolando Espinosa, ipina-contempt ng Quad Comm | Dating Senador at CHR Chair De Lima: FPRRD, nagbigay ng kill order sa DDS noong siya'y mayor ng Davao City | De Lima, idinetalye ang Davao model na pinagbatayan umano ng war on drugs ng Duterte Administration | Ret. PCol. Jovie Espenido, binawi ang kaniyang testimonya na nagdiin noon kay De Lima sa Bilibid drug trade | Ilang kongresista, nais hingan ng medical certificate si FPRRD bilang patunay na